Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot lasing na nag-drive, sumirko

0 84

Nagtulong ang dalawang motorcycle riders na sagipin ang isang babae na na-trap sa loob ng kanyang sasakyan sa Quezon City, Martes ng gabi.

Hindi na tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na agad namang naisugod sa ospital at ginagamot.

Sa ulat ng Traffic Sector 5, ng Quezon City Police District (QCPD), bago maghatinggabi naganap ang aksidente sa Commonwealth Avenue.
Sa pahayag ng isa sa mga saksi na si Prince Fuentes, rider, nag-U-turn ang babae na sakay ng isang puting AUV ngunit bumangga ito sa mga concrete barrier at dalawang ulit pang umikot ang behikulo.
Wasak ang harapan ng sasakyan at nabasag ang windshield nito habang nagtumbahan ang mga concrete barrier.

Gumamit umano ng malalaking bato ang mga rider upang basagin ang salamin ng sasakyan at mailabas ang babae.

Aminado naman ang biktima na nakainom siya dahil kagagaling nito sa isang birthday party. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.