Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot nag-amok sa presinto

0 66

Nagulantang ang ilang botante nang bigla na lamang magwala ang isang babae sa isang paaralan sa Lapu-lapu City, Cebu kung saan isinasagawa ang botohan.

Sa ulat, dumagsa ang mga botante sa Basak Elementary School kamakalawa.

Kanya-kanyang hanapan ng presinto ang mga boboto nang bigla na lamang dahil nagwala ang isang babae dahil sa umano’y hindi nito makita ang kanyang polling precinct.

Sinabi naman ng mister na dumaranas ang biktima ng depresyon kung saan hindi na sila nakakabili ng gamot nito.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at medical staff at mabilis na pinakalma ang babae.

Leave A Reply

Your email address will not be published.