Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot nag-suicide sa Mitsubishi Adventure

0 650

Natagpuang patay ang isang babae sa loob ng kanyang sasakyan habang nasa parking lot ng isang mall sa Calamba, Laguna nitong Martes ng hapon.

Batay sa report ng Calamba City Police, ang biktima ay may tama ng bala sa ulo at lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagpakamatay umano ito.

Ang nasawi ay isang self-employed na manggagawa na residente ng Calamba City.

Nadiskubre siya alas-3:00 ng hapon na nakahandusay sa driver seat ng kanyang Mitsubishi Adventure na nasa parking lot ng iMall Canlubang.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ng mga awtoridad kung may foul play ba sa insidente.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may katanungan tungkol sa mental health, kinakailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib na kitilin ang sariling buhay.

Puwedeng tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727) o telepono (7989-8727 o 1553). (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.