Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot nagliyab sa Zamboanga

0 162

Nasunog sa loob ng kanyang bahay ang 30-taong gulang na babae sa Barangay Tumaga, Zamboanga City, Lunes ng gabi.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang biktima na si Maria Leilene Lagonera, isang babaeng may kapansanan sa pag-iisip.

Nasunog ang kanyang bahay sa Lagonera Compound.

Samantala, nagtamo naman ng first degree burns sa kanyang likod si Cesario Alcoriza nang subukan niyang sagipin si Lagonera.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ng BFP na bukod sa bahay ni Lagonera ay may 20 pamilya din ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.

Tinatayang nasa P700,000 ang halaga ng natupok ng apoy.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa kusina sa bahay ng isang Amy Lagonera. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.