Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot nakaligtas sa 3 putok, initak na lang

0 202

SUGATAN ang isang babae nang pagtatagain ng kanyang ka-live in sa Agusan del Norte nitong weekend.

Ayon sa paunang report, pera ang sinasabing ugat ng pag-aaway ng magdyowa.

Sa inisyal na report, humihingi ng pera ang suspek para pamasahe papuntang Bukidnon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinuwestyon umano siya ng biktima kung kailan planong umalis, imbes na sumagot, tinutukan umano siya ng baril ng lalaki. Kinalabit ng suspek ang gatilyo ng tatlong beses. Pero hindi naman ito pumutok.

Dahil hindi gumana ang baril, kumuha na lang ito ng itak saka pinagtataga ang babae na tinamaan sa leeg at tenga.

Nagpapagaling ngayon sa ospital ang biktima. Agad namang sumuko ang suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.