Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot nangharbat ng chocolate sa supermarket, dinampot

0 311

Buking ang trip ng isang babae matapos magyaman-yamanan sa pagsa-shopping ng mamahaling kape at chocolates sa isang supermarket sa Mandaluyong City kamakalawa.

Nakilala ang suspek na si Jane Manabat y Gonzales, 21, na kinasuhan ng theft thru shoplifting ng Mandaluyong Police Station matapos ireklamo ni Jateo Romblon y Fulloso, store supervisor ng Robinsons Supermarket sa Robinsons Forum, EDSA cor. Pioneer St., Barangay Ilaya, Mandaluyong City.

Inaresto ang suspek Biyernes ng hapon nang mahuli ni Noel Calipe y Parrago, security officer, na nagsisilid ng mga grocery items ang suspek.

Narekober kay Jane ang 7 piraso ng UCC Special Blended Coffee Clear na nagkakahalagang 3,206.00, 6 piraso ng Snickers Chocolate P222.00, at iba pa.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Mandaluyong detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.