Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot nangharbat sa grocery, huli

0 191

Dahil sa kausuhan ng community pantry, isang babae ang inaresto ng pulisya nang tangkaing mag-grocery ng libreng assorted items na umabot sa P2,837 sa isang supermarket kamakalawa sa Barangay Barangka Ilaya, Mandaluyong City.

Nahaharap sa kasong theft sa Mandaluyong Police si Jennyfer Diocena y Reguallos, 41, matapos ireklamo ni Jateo Romblon y Fulloso, 28, store supervisor ng Robinsons Supermarket, Forum sa Pioneer, Boni.

Inaresto ang suspek alas-6:00 Biyernes ng gabi sa loob ng nasabing grocery nang mapansin ni Noel Calpe, security officer ang kahina-hinala nitong kilos habang namimili hanggang sa lumabas ng supermarket.

Nahabol ito ng sekyu at inaresto kung saan umaabot sa P2,837 assorted items ang na-recover sa bulsa nito at dalang bag. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.