Abante Tonite Interactive

Bebot nasunog sa birthday party

By
1,872

Nagwakas sa kalunos-lunos na kamatayan ang masayang pagdiriwang ng isang 32-anyos na dalaga sa bisperas ng kanyang kaarawan makaraang makulong sa loob ng nasunog na tinitirhan nito sa Limay, Bataan kamakalawa ng madaling-araw.

Base sa inisyal na report ng pulisya, nakilala ang biktima na si Tina Gracio, residente ng Barangay St. Francis 11 sa bayan ng Limay.

Sunog ang buong katawan ng biktima nang matagpuan ang mga labi nito sa loob ng kanyang bahay.

Hinihinalang hindi nagising ang biktima dahil sa labis na kalasingan matapos ipagdiwang ang kanyang kaarawan kung kaya’t hindi nito nagawang makalabas ng bahay habang nagaganap ang sunog.

Kinabukasan pa umano ang kaarawan ng biktima pero madaling-araw ng Huwebes nang sumiklab ang sunog sa tinitirhan nito matapos ang inuman.

Matapos maapula ang sunog ay doon na natagpuan ng mga rumespondeng bombero ang mga labi ng dalaga.

Patuloy pang ina­alam ng mga imbestigador kung ano ang pinagmulan ng sunog gayundin kung may foul play sa insidente.