Abante Tonite Interactive

Bebot nina Dingdong-Dennis wanted

By
648

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioNag-viral nga ba ang The Cure finale? Parang ni hindi nga nangati o napahatsing man lang ang mga dabarkads nu’ng ipinapalabas pa ito.

Ngayong wala na ito sa ere, mabilis na mabilis tiyak ang paglimot dito.

Eh kamusta naman ang ‘Kambal, Karibal’ pamamaalam?
Ngayong nagpaalam na aking mahal ang dalawang ka-Siyete serye, ang balitang pagsasama nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa isang pangmalakasang drama, ang ‘Cain at Abel’, na pelikulang pinagbidahan dati nina Christopher de Leon at Philip Salvador, sa direksyon ni the late great film master Lino Brocko.

Abante Hiring – IT dep

Sino kaya ang gaganap na Loren, ang anak na kinamumuhian ni Doña Pina dahil sinisi ito sa pagkamatay ng kanilang ama, kay Jose Sixto kaya o kay Abelardo ibabato ang hamon?

Eh ang mas paboritong bunso, si Ellis, kanino mas bagay, kay Dong o Dennis? Ano ang inyong opinyon, dear Abante Tonite readers?

Ang katauhan ni Mona Lisa, sinong seasoned actress kaya ang magbibigay buhay rito?

Pati na rin ang mga katauhan nina Carmi Martin at Baby Delgado, mga babaing malalapit sa katauhan nina Loren at Ellis, kaninong Kapuso ladies in wai­ting maibibigay at tunay na bagay?

Ngayon pa lang, ang diva that you love, excited much sa dramang ito. Kaabang-abang talaga, hindi ba?()