Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot pinutol na mga kamay, pinugutan pa

0 46

Pinagtataga hanggang sa mapatay sa loob ng sarili niyang bahay ang isang babae sa Camarines Norte.

Sa report, nangyari ang pagpatay sa 23-taong gulang na si Anna Carmella Soterio, sa Purok 1, Poblacion, Sta. Elena. Natagpuan siya, Martes ng umaga, na puro dugo ang paligid.

Pinutol pa ang kamay at halos nahiwalay na ang ulo sa katawan ng biktima. Wala ring saplot na pang-ibaba ang biktima kaya pinaniniwalaang ginahasa siya.

Sabi ng nanay ni Soterio, na hindi nagpakilala, ay gigisingin sana niya ang anak para samahan siya sa bayan at bumili ng cons­truction materials pero hindi ito sumagot kaya pinasok na niya ang bahay. Doon na niya nakitang naliligo sa sariling dugo ang anak.

Related Posts

Nakita rin niya ang 4-anyos na anak ng biktima na mahimbing na natutulog katabi ng bangkay. Kinuha niya agad ang apo at tiningnan kung may taga rin. Wala naman itong sugat.

Pero nawawala ang pitaka ni Soterio na naglalaman umano ng P10,000 at cellphone nito.

Labis na ipinagtaka ng magulang ang insidente dahil wala umanong kaaway ang anak at hindi palalabas. Palaisipan din sa awtoridad ang krimen dahil magkakaanak ang mga residente ng purok. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.