Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot pisak sa trak, laman-loob sabog

0 324

Sumabog ang laman loob ng isang 54-anyos na ginang matapos pumailalim at maipit sa gulong ng isang tractor head habang tumatawid sa kalsada kamakalawa sa Malate, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Aileen, 54, ng San Andres Bukid, Malate. Arestado naman at sasampahan ng kasong reckless impudence resulting in homicide ang suspek na si Marvin Santos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon ni PCpl Crisanto Antonio, ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ang insidente ay naganap alas-11:45 ng tanghali sa southbound lane ng Pres. Osmena Highway kanto ng San Andres Street, Malate.

Minamaneho umano ni Santos ang isang Isuzu Tractor head na may plakang CAY-3796 at may trailer sa naturang lugar nang aksidente nitong mahagip ang biktima na noon ay tumatawid sa kalsada.

Nabuwal umano ang biktima sa kalsada at pumailalim sa truck hanggang sa maipit sa gulong ng tractor na nagresulta sa kanyang kamatayan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.