Abante Tonite Interactive

Bebot sa drug watchlist pinabulagta

By
4

Isang 53-anyos na ginang na sangkot umano sa ilegal na kalakaran ng drugs ang bumulagta matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na lulan ng isang motorsiklo sa Lungsod ng Caloocan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Caloocan City Police ay pasado alas-5:30 ng hapon nang pagbabarilin sa kanto ng Santolan Street at Avocado Street, Barangay 178, Camarin ng nasabing lungsod ang biktimang Nemia Flores ng San Vicente Street, Area D sa nasabing lugar.

Pababa ito ng tricycle para umuwi nang duma­ting ang mga suspek at walang habas na pinaulanan ng bala ang biktima na tinamaan sa kanyang ulo at dibdib.

Sa takot naman ng driver ng tricycle ay nagtatakbo ito palayo pero nakahingi ito ng saklolo sa mga awtoridad.

Mabilis na tumakas ang mga suspek pagkatapos ng pamamaril at iniwang nakahandusay ang duguang biktima.

Napag-alaman sa mga opisyal ng barangay na nasa barangay drug watchlist ang biktima.