Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot sa Nasugbu sinalvage

0 55

Isang bangkay ng babae na hinihinalang biktima ng salvaging ang natagpuan sa gilid ng highway sa Brgy. Banilad, Nasugbu, Batangas, Sabado ng umaga.

Batay sa report ng Nasugbu Police, dakong alas-6:00, kamakalawa ng umaga, nang madiskubre ng isang nagdaraan ang hindi pa nakikilalang biktima sa gilid ng Nasugbu-Tagaytay Highway.

SM food to go Banner Ad

Sa pagsisiyasat ng pulisya, binigti ang biktima ng alambre bago iniwan sa ilang na lugar.

Teorya ng awtoridad, sa ibang lugar ito pinatay at itinapon lamang doon ang bangkay.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam pa sa ngayon ang pagkakakilanlan ng biktima. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.