Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot suicide bomber sa Sulu

0 300

ISANG babae na naka-ninja attire ang itinuturong suicide bomber sa ikalawang pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon, ayon sa report mula sa Philippine Army.

Nangyari ang ikalawang pagsabog sa bahagi ng DBP at Plaza Rizal sa General Arolas St., Bgy. Walled City ng ala-una ng tanghali.

Unang naganap ang pagsabog alas-11:53 ng umaga sa Barangay Walled City partikular sa Paradise Food Shop katabi ng SYNTAX computer shop.

Sa progress report na isinumite ng Western Mindanao Command sa AFP, sinabi nito na may isang sundalo ang nakakita at nagtangkang pumigil sa suicide bomber.

“The second explosion if believed to be exploded (sic) by a suicide bomber,” pahayag sa report.

“The 35th IB (Infantry Brigade) casualty is the one who stopped the female suicide bomber in ninja attire from coming closer to the troops,” dagdag pa dito.

SM food to go Banner Ad

Kaugnay nito’y umakyat na sa 18 ang bilang ng mga namatay sa serye ng pagsabog, ayon sa tagapagsalita ng 11th Infantry Division.

Sinabi ni Lt. Col. Ronaldo Mateo sa isang panayam na 7 ang namatay na mga sundalo, habang 11 naman ang civilians.

Naunang sinabi ni Mateo na posibleng ang Abu Sayyaf ang nasa likod ng pagpapasabog.

Naniniwala din sila na ang naka-ninja attire ay “associated” o konetakdo sa Abu Sayyaf Group.

“Walang umanin sa terrorist activity na ito. Pero most probably, isa lang naman ang terrorist group na nandito sa Sulu and that is the Abu Sayyaf Group,” sinabi ni Mateo.

Sa huling talaan naman ng PNP at AFP alas-5:29 ng hapon, nasawi sa naganap na pagsabog ang 7 sundalo, 6 na sibilyan at isang umanoy suicide bomber.

Piyumpu’t anim (76) naman ang naiulat na sugatan na kinabibilangan ng 48 sibilyan, 9 pulis at 19 na sundalo. (Kiko Cueto/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.