Abante Tonite Interactive

Bebot surender sa kargada ni idol

1,799

Hindi na naglalaro si kakaibang Basketball idol pero ‘di pa rin makalimutan ng isang dating organizer ng papasikat na torneo na dating pangkalye lang ngunit kasama na ngayon sa mga regular na laro sa Olympics ang naganap sa una nitong pagpunta sa bansa.

Totoy pa si kakaibang Basketball idol noon at talagang nasa tuktok ng kasikatan at matinding kainitan, hirit ng da­ting organizer. Dahil super sikat si idol na endorser ng isa sa pinakasikat na sports apparel sa mundo ay sunod ang lahat ng layaw ni idol sa tagapamahala ng produkto dito sa bansa.

Dahil sunod ang lahat ng layaw, hindi nakatanggi ang pro­duct country manager sa kakaibang hiling ni idol.

Sinabi ng dating organizer na nagulat siya dahil sinabihan siya ng mga security ng hotel kung bakit tinakpan at sinara ang mga bintana at pintuan ng inokupahan nitong mga kuwarto na hindi nakasaad sa kanilang usapan.
Saka lamang napag-alaman ni organizer ang kakaibang hiling ni idol.

“Ikinuwento sa akin ng mga security na may umakyat na 10 bebot. Wala akong kaalam-alam about that kasi out of my concern na iyon,” anang organizer.

Nalaman na lamang ni organizer na pinapili si idol sa pumuntang 10 nagagan­dahan at artistahing kababaihan.

Gayunman, napa­ngiti si organizer dahil biglang umayaw ang napili sa sampu sa gusto ni idol. Hindi kasi akalain ng girl na sadyang ‘kakaiba’ pala ang kargada ni idol. Ang siste, napasubo na lamang si girl kay idol.