Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot tinakot ng ex na ikakalat sex photo

0 279

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na nam-blackmail sa dating nobya na ikakalat ang mga hubad na larawan sa social media kung hindi makikipagkita sa kanya kamakailan sa General Santos City.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act) at RA 10175 (Cybercrime Prevention Act) ang suspek na si Rosman Hadji Ibrahim.

Ayon sa biktimang si Lyn, di tunay na pangalan, nagkaroon siya ng bawal na relasyon kay Ibrahim sa pagitan ng 2017 hanggang 2020.

Nakipaghiwalay na aniya siya sa suspek pero patuloy pa rin siyang tinitext nito hanggang sa pagbantaang ikakalat ang mga hubad niyang larawan sa dati nilang mga pagtatalik kung hindi makikipagkita sa kanya.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito’y nagreklamo sa NBI-Saranggani ang biktima nitong Abril 23.

Pinlano ng NBI ang entrapment operation kung saan nakatimbre ang pakikipagkita ng biktima sa suspek sa isang lodging house sa Brgy. Lagao, General Santos City.

Inaresto ng mga ahente ng NBI ang suspek na naka-brief lang at matapos pagbihisin ay binitbit sa opisina ng NBI. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.