Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot tinarakan ng 37 beses

0 240

Matinding galit ang posibleng dahilan kaya 37 na saksak ang nakita sa bangkay ng isang babae sa Catbalogan City, Samar.

Sa report ng Eastern Visayas Police, ang biktima ay kinilalang si Margie Monarba, 26 taong gulang, at nakatira sa Brgy. Silanga.

Sa imbestigasyon, nagpaalam ang biktima sa kanyang asawa, Sabado ng madaling-araw, para magbukas ng tindahan.

Pero hindi na nakarating sa tindahan si Monarba.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bandang ala-1:00, kahapon ng hapon nang makita ang bangkay na walang damit at tadtad ng saksak sa may bangin sa gilid ng kalsada.

Samantala, P100,000 ang nilaang pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon ukol sa salarin. Galing ang pera sa pamilya ng biktima at mga opisyal ng Silanga.

Patuloy ding inaalam ng mga pulis ang motibo sa krimen. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.