Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bebot tinodas ng ex kahit naka-quarantine

0 103

Patay ang isang negosyanteng babae na umano ay positibo sa COVID matapos itong barilin ng dati niyang ka-live in sa Agoncillo, Batangas, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Jennifer Casalme, 41, taga-San Jacinto.

Ayon sa Agoncillo police, alas 4:25 ng hapon, dumating ang suspek na si Allan Tamayo, 39, ng Barangay Matinggain, Lemery sa bahay ng biktima sakay ng motorsiklo at walang sabi sabing binaril ang babae na noo’y nasa terrace.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay naka-home quarantine matapos magpositibo sa COVID.

Nagtamo ng mga bala sa katawan ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Nabatid na nagselos ang tumakas na suspek sa hinalang may bago ng karelasyon ang biktima. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.