Abante Tonite Interactive

Beckham bumili ng $24M condo

380

Bumili ng pangyayamaning condo ang football star na si David Beckham at misis niya sa Miami.

Tumataginting na $24M o katumbas ng P1.2B ang nabiling high-rise condominium ng soccer star at kabiyak na si Victoria na isang singer at fashion designer.

Nakatayo sa 62-storey One Thousand museum building ang Miami skyscraper home ng sikat na mag-asawa.

May limang malalaking silid ang condo ng magkabiyak. Buong paligid ng lungsod maging ang mga dagat sa paligid ng Miami ay matatanaw. Bukod pa rito ang rooftop helipad, sky lounge, bank vault, wellness center, spa, at indoor lap pool na nasa 61st floor.

Dinisenyo ang nasabing pang-big time na condo ng nasawing si architech Zaha Hadid kung saan kamakailan lang natapos ang kanyang obra. (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad