Abante Tonite Interactive

Bed or bad weather

By
221

julius-segoviaAsahan pa ang mas malamig na panahon sa malaking bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.

Ayon mismo sa weather bureau na Pagasa, sa kalagitnaan pa ng buwan ng Pebrero ma­raramdaman ang ‘peak’ ng amihan o northeast monsoon.

Dahil dito, usung-uso na naman ang mga influenza-like diseases gaya ng ubo, sipon, at trangkaso.

Kaya muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko. Una, panatilihing malakas ang immune system.

Para magkaroon ng ma­lakas na pa­ngangatawan, matulog nang maaga. Umiwas sa paninigarilyo at pag-i­nom ng alak. Kumain ng masusustansiyang pagkain gaya ng prutas at gulay.

Related Posts

Panatilihing mali­nis ang katawan. Alam kong malamig ang tubig, kaya hirap tayo sa pagligo sa umaga. Pero huwag itong idahilan. Bahagi ng personal hygiene ang pag­ligo araw-araw.

Lagi ring tandaan na importanteng nakatakip ang bibig at ilong tuwing uubo at babahing.

Umiwas sa matataong lugar na posibleng pagmulan ng viral infection.

Importanteng magsuot ng mga makakapal na damit gaya ng jacket at iba pang uri ng pangginaw.

Kung pabalik-balik ang ubo at sipon, mainam na komunsulta sa doktor para agarang malapatan ng lunas.

Ang sa akin lang, panatilihing malusog ang katawan lalo na ngayong malamig ang panahon – para ang bacteria at viral infections na posibleng dumapo sa’yo, tepok agad!