Abante Tonite Interactive

Bee-da sa bee-nefits: Bee Propolis

By
28

Bukod sa honey, may produkto pang mula sa mga bubuyog ang gumagawa ng higit na ‘buzz’ sa larangan ng kalusugan, ang bee pro­polis.

Ang propoliso bee glue ay nagsisilbing isang ‘resinous’ substance na ginagamit ng mga bubu­yog para sa pagpapa­tibay at pagkukumpuni ng mga biyak o bitak sa kanilang mga hives o bahay.

Nagtataglay umano ito ng iba’t ibang bitamina­, mi­neral at bioflavanoids (antioxidant compounds) na mainam sa ating kalusugan. Sumusunod ang ilan sa mga kabilib-bilib na ‘bee-nefits’ na makukuha natin sa propolis:

Antibacteria­l – Sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Ethnopharmacology, nabatid na mabisang antibacteria­l ang propolis dahil sa taglay nitong ‘ethanolic extracts’. Malakas umano nitong napupuksa ang mga gram positive bacteria gaya ng staph (staphylococcus bactera) na karaniwang matatagpuan sa nana ng mga naimpeksyong sugat.

Anticancer – Sa na­ging pananaliksik nila Comene et al na na-index sa PubMed, naipakitang may kakayahan ang bee propolis na pigilan ang pag-develop at pagkalat ng breast cancer sa mga test cells. Nagpapa­tibay ito sa kakayahan ng bee glue na pigilang ma­ging cancer cells ang mga newly-formed blood vessels. Maging ang pagkalat (metastasis) ng cancer sa ibang bahagi ng katawan ay nahaharangan rin sa tulong nito.

Antioxidant – Bilang traditional health food, itinuturing na isa sa mabisang antioxidant lalo na sa lahat ng bee products na kasalukuyang nasa merkado gaya ng bee pollen at honey.

How to take it:

Ointment form – hugasan at patuyuin ang bahagi ng katawan na papahiran at saka ipahid ito.

Capsule form – Inumin bilang food supplement.
Liquid form – Inumin sang-ayon sa rekomendasyon sa label ng produkto.

Sinasabing maaaring napakarami pang mga beneficial properties ng bee propolis ang ‘di pa nae-explore sa mga pag-aaral.

Sa ating nalalaman sa kasalukuyan, masasabing ‘super’ na ito. ‘Wag lang kalimutan na ma­ging maingat pa rin sa anumang kakainin o iinumin at ilalagay sa katawan gaano pa man kaganda ang epekto nito.

Babala lamang na mapanganib ang produktong ito sa mga may allergy sa bubuyog.