Abante Tonite Interactive

Beef sinigang sa guyabano

By
0 134

Kung nauuyam na kayo sa sinigang sa sampalok at gustong sumubok ng kakaibang panlasa ay i-try ninyong gawing pampaasim ang guyabano gaya ng recipe na ito na beef sinigang sa gu­yabano.
Ihanda lang ang mga sumusunod at garantisadong mapapasarap kayo sa higop.
Mga sangkap:
1 kilo beef spare ribs
1 guyabano (medium) katamtamang hinog
2 sibuyas (medium) hiniwa
3 pcs. kamatis hiniwa
4 butil ng dinikdik na bawang
3 siling berde
1 taling kangkong
okra
labanos
paminta
patis o asin
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan sa pressure cooker o kalderong may tubig hanggang sa lumambot ang spare ribs. Hinaan lang ang apoy habang pinalalambot.
2. Itabi ang pinagpakuluang sabaw.
3. Balatan, himayin ang guyabano at tanggalan ng buto. Itabi.
4. Sa isang kaserola, igisa ang sibuyas, bawang at kamatis hanggang bumango.
5. Isangkutsa ang spare ribs, timplahan ng patis, ibuhos ang nireserbang sabaw ng pinagpakuluan ng spare ribs at guyabano at pa­kuluan ito.
6. Pagkakulo ay ilagay ang mga gulay – labanos, siling haba, kangkong at okra. Hayaang kumulo ng ilang minute.
7. Ilagay na ang paminta at timplahan ng asin o patis.
8. Ihain nang mainit. Enjoy.