Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beep card sa EDSA Busway simula Oct 1

0 244

Ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang cashless transaction gamit ang beep card sa mga pampasaherong bus na bumibiyahe sa EDSA Busway System simula sa October 1.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Steve Pastor, bahagi ito ng pagtataguyod ng ahensya sa mga ligtas na paraan para mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa pagbabayad ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

SM food to go Banner Ad

Ang bagong programa ay bahagi aniya ng panawagan ng DOTr na palakasin ang digital at cashless transaction sa mga transportation service provider pati na sa pangkalahatang sistema ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa.

Para kargahan ang BEEPTM card, maaaring pumunta ang pasahero sa alinmang istasyon ng LRT at MRT, sa mga branch ng FamilyMart at Ministop, Bayad Center at mga ka-partner nito, o di kaya ay sa mga Over-the-Air (OTA) loading partner nito tulad ng BPI, Eon ng Unibank, Akulaku, at Justpayto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.