Abante Tonite Interactive

Beermen bumawi, Hotshot tinambakan ng 21

By
2,762

Game 3 sa Linggo, Abril 1:
(Smart Araneta Coliseum)
6:30 p.m. – San Miguel Beer vs Magnolia

Walang collapse na nangyari sa endgame sa San Miguel Beer, matikas na naipreserba ang 92-77 win laban sa Magnolia Pambansang Manok sa MOA Arena kagabi.

“Nakanti ‘yung pride ng players (ko),” bungad ni Beermen coach Leo Austria sa postgame interview. “Well motivated sila. Now we are able to take the series to a best-of-five.”

Nakabawi mula sa 105-103 loss noong Biyernes sa opener, itinabla ng Beermen ang serye sa tig-isang laro.

Sa break, lamang ang SMB 48-35 bunga ng ayon sa Magnolia ay good shooting at breaks ng laro na pumabor sa Beermen.

Pagkatapos lang ng first two quarters ay tatlong tauhan ni Leo Austria na ang umiskor ng double-digits sina Marcio Lassiter (13), Arwind Santos (12) at Brian Heruela (10). May 8 si Ian Sangalang para pa­ngunahan ang Hotshots pagkatapos ng two.

Inumpisahan ng Beer ang second half sa back-to-back 3s nina Alex Cabagnot at Santos, at napatawag bigla ng timeout si Magnolia coach Chito Victolero.

Sa basket ni Matt Ga­nuelas-Rosser at dalawang free throws ni Cabag­not ay bumuka pa ang lamang ng SMB 71-50 kulang 3 minutes sa third.

Pagkatapos ng three ay malayo na ang Beermen 75-57.

Nilista naman ng Hotshots ang unang 11 puntos ng fourth para dumikit 75-68, higit 8 minutes pa bago nakasagot ng 3 si Santos.

Mula roon ay 10 straight points ang itinagay ng Beermen para kumpletuhin ang panalo.

Tumapos si Santos ng 24 points mula sa 6 of 12 3-point shooting, may 16 si Lassiter at 15 kay Cabagnot. May 12 points at 13 rebounds si June Mar Fajardo.

Isang linggo munang ceasefire ang Finals, balik ang Game 3 ng best-of-seven series sa April 1 sa Smart Araneta Coliseum.(Vladi Eduarte)