Abante Tonite Interactive

Beermen, KaTropa rambulan sa Iloilo

By
723

Laro ngayon
(Iloilo City) 
5 p.m. – SMB vs. TNT 

Dadayo ng Iloilo ang San Miguel Beer at TNT KaTropa para ituloy ang karibalan sa PBA Philippine Cup ngayon.

Misyon ng Beermen (2-0) Leo Austria na pahabain sa tatlo ang sunod na panalo at kumapit sa tuktok ng season-opening tournament.

Susundan naman ng KaTropa (1-1) ni Nash Racela ang 106-98 panalo sa Alaska noong Dec. 29.
Huling biktima ng SMB ang Meralco 103-97 noong Dec. 17 sa Antipolo.

Tumapos si June Mar Fajardo ng 26 points at nine rebounds pero inamin na nahirapan sa pambubulabog ni Ken Bono ng Bolts.

Pihadong mapipiga ulit ang SMB big man mamaya dahil dalawang tore ng TNT ang inaasahang itatapat sa kaniya – sina Mo Tautuaa at Troy Rosario.

Ang top 2 picks noong 2015 na sina Tautuaa at Rosario ang nagpaliyab sa maagang opensa ng KaTropa kontra Aces, kumonekta ng pitong 3-pointers sa first half.

Sa dulo, binalikat ni veteran point guard Jayson Castro ang TNT para salagin ang tangkang balik ng Aces.