Abante Tonite Interactive

Beermen sulit kay Romeo — Austria bilib si coach!

0 151

Lito Oredo

Kumpiyansa si San Miguel head coach Leo Austria na malaki ang maitutulong ng bago nitong hugot na si Terrence Romeo para maitala ang ikalima nitong sunod na korona sa nalalapit na PBA Philippine Cup.

Ikinatuwa ni Austria ang kanyang nakita sa unang araw ng pagsabak sa ensayo ng dating 3-time scoring champion na si Romeo at umaasa ito na agad makakagamayan ang sistema ng koponan bago magsimula ang torneo.

Abante Hiring – IT dep

“Terrence’s work ethic is really impressive. He has this high passion for playing basketball. It was like he was born with a basketball in hand,” sabi ni Austria.

“There’s always a question about chemistry when Terrence got here and not just because of the issues but the fact that Terrence deserves to have a longer playing time than his previous teammates,” sabi ni Austria, na binitbit ang San Miguel Beer sa anim na titulo.

Inaasahang pupunuan ni Romeo ang mga minutong nakalaan para kay Alex Cabagnot na nagpapagaling matapos na operahan ang kanyang nabaling ilong.

“Alam naman natin ang kakayahan niya at ang maganda ngayon ay mararamdaman mo sa paglalaro nila na tanggap nila agad si Terrence,” sabi ni Austria. “As long as Terrence works hard for the team, I think it would be a great relationship between him and the team.”

“What we want is for him to work hard and follow the system and he should learn to have a good relationship with his teammates because he’s a strong player,” sabi pa ni Austria kay Romeo, na hindi maganda ang paglipat mula sa mga dati nitong koponan na NorthPort at TNT matapos magkainitan ni da­ting Batang Pier head coach Pido Jarencio at nakaalitan ang ilang manlalaro sa TNT.