Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bejino kulelat sa 100m back

0 38

Sablay si Gary Bejino sa finals nang pumampito sa 16th Summer Paralympic Games 2020+1 swimming men’s 100m backstroke-S6 prelims heat 2 sa Tokyo Aquatics Centre sa Japan Biyernes.

May tiyempong isang minuto at 28.87 segundo ang 25-anyos na Pinoy para tanker mula sa Albay upang lumanding na ika-20 o kulelat sa pang-apat at huli niyang event sa ‘binyag’ sa quadrennial sports conclave.

“He (Bejino) was about .30 seconds away from his personal best. Nagkamali siya going for the turn at the halfway mark so had an open turn (tapik sa wall). But we are still happy with his time,” ani coach Tony Ong. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.