Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beki, BFF tinumba habang nagpapahangin

0 59

Namatay noon din ang mag-bestfriend na bading at babae matapos pagbabarilin ng di nakilalang suspek habang nagpapahangin kamakalawa sa may dalampasigan ng Baseco, sa Port Area, Maynila.

Nabatid kay P/Capt Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-homicide section, ang mga biktima ay sina Leif Erickson Parama y Dolfo, 29, bading, taga-Baseco at isang alyas Jennifer Legazpi, dayo lang sa lugar na kapwa nagtamo ng mga bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ni PMSg Dennis Suba, alas-3:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa sea wall ng Block 8, sakop ng Barangay 649 Zone 68 Baseco.

Nalaman na natagpuang walang buhay at duguan ang dalawa habang nag-iikot sa lugar ang barangay volunteer na si Mariel Ramirez .

SM food to go Banner Ad

Nabatid na may tama ng bala sa kanang braso, tiyan, kanang hita at dalawa sa likod si Parama. Si Legazpi naman ay sa kanang tenga.

Wala naman nakuhang impormasyon ang pulisya kung paano pinatay ang dalawang biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.