Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beki laglag sa sextortion

0 269

Kalaboso sa entrapment operation ang 22-taong gulang na lalaki kaugnay sa pangba-blackmail diumano niya sa isang binatilyo para hindi ipakalat ang mga hubad na larawan nito.

Ayon kay P/Maj. Michael John Villanueva, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Olongapo, humingi ng tulong ang biktimang binatilyo upang arestuhin ang suspek na kinilalang si Jaen Aguilar alyas ‘Mark Smith’, residente ng Kalayaan sa Subic Bay Freeport Zone.

Nagbanta umano si Aguilar na ipo-post nito ang mga hubad na larawan ng biktima sa social media kung tatanggi ang batang lalaki na makipagtalik sa kanya, dagdag ni Villanueva.

Dahil sa reklamo, mabilis na ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon at nahuli ang suspek sa isang convenience store sa Olongapo. Narekober ng CIDG ang ilang condom at sex enhancer mula sa suspek at inamin naman nito ang nasabing krimen.

Mahaharap si Aguilar sa kasong paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, RA 9995 o anti-photo and video voyeurism act of 2009, at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.