Abante Tonite Interactive

Beki nagbenta ng P60K shabu sa pulis, binitbit

419

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 9 ang isang bakla at apat nitong kasabwat sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Sta. Ana, Maynila.

Kabilang sa mga naaresto sina Dionisio Hingoyen, 43, taga-Sta. Ana, Maynila at mga kasama nito sa bahay na sina Edwin Hingoyen, 51, janitor; Venus Lucena, 21; Alibsar Capal, 20; at Vergel Castro nang tangkain nitong pigilan ang mga pulis sa pag-aresto kay Dionisio at Edwin.

Naganap umano ang ang buy-bust operarion dakong alas-10:50 ng gabi sa bahay ng suspek matapos magpanggap na poseur buyer ang isa sa mga pulis.

Nasamsam kina Dionisio at Edwin ang iligal na droga na nagkakahalagang P60,000, P500 marked money at drug paraphernalia.

Sinampahan ng kasong Sale and Possession of Dangerous Drugs sina Dionisio at Edwin sa Manila Prosecutors Office habang paglabag naman sa Revise Ordinance 887 ang isasampa kina Lucena, Capal at Castro. (Juliet de Loza-Cudia)