Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Beking beautician tinimbog sa pagnanakaw

0 102

Arestado ang isang beki o bading na beautician matapos magpalabas ng warrant of arrest ang MTC, Third Judicial Region ng Paniqui, Tarlac sa kanyang tinutuluyang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Nasa kustodiya ng Manila Police District-DSOU , ang suspek na si Emil Chris Alinton, alyas RJhay Ismael at taga No. 933 Maria Luisa St., Brgy. 567, Sampaloc, Maynila.

SM food to go Banner Ad

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa Criminal Case No. 10-2021 sa kasong paglabag sa Art. 308 of RPC – Theft na inisyu ni Hon. Antonio Mangune Pangan, Acting Presiding Judge, MTC, Third Judicial Region, Paniqui Tarlac.

Bago naaresto ang suspek ay nagsagawa muna ng surveillance at nang makumpirma ang kinaroroonan nito ay saka ikinasa ang operasyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.