Abante Tonite Interactive

Beking movie-TV personality ang kinabagsakan ng mailap na hombre

0 178

tonite-no-thanks-cristy-ferminAYON sa aming impormante ay ipina-background check muna ng isang sikat na movie-TV perso­nality ang isang lalaking napupusuan niya.

Gusto lang makasigurado ng sikat na persona­lidad kung talagang sanay nang makipagrelasyon sa mga beki ang male personality. Negative ang sagot.

Kuwento ng aming source, “Ang nalaman ng sikat na movie-TV personality, e, marami na palang tinatanggap na indecent proposal ang lalaki, pero hindi kumakagat, kaya hanggang ngayon, e, hindi pa rin niya naiaahon sa hirap ang pamilya niya.

“May isang kila­lang direktor pa nga raw na nangako ng araw at buwan sa male personality, pasisikatin daw siya, magbibida sa pelikula, pero umiwas ang male personali­ty sa gay director.

“Natural, tuwang-tuwa ang sikat na movie-TV personality sa kinalabasan ng pagpapaim­bestiga niya, hindi lang pala siya gagamitin ng lalaki, kaya lalo siyang naging interesado,” simulang impormasyon ng aming source.

Dahil araw-araw nga silang magkasama sa isang programa ay unti-unti nang nainlab ang movie-TV personality sa lalaki, parang may sagot naman ang kanyang pagmamahal, dahil hindi siya iniiwasan nito.

“Mukhang nagtagumpay naman ang beki, hindi siya iniiwasan ng guy, hanggang sa na­ging super-close na nga sila. Pero nagtatanong pa rin ang beki sa kanyang mga kaibigan, hindi kaya use me in a sentence lang ang ganap?

“Urutin naman ang beki, pinakinggan niya ang bulong ng mga kapwa niya beki na hindi, inlabey rin sa kanya ang lalaki, kaya lalo siyang natuwa! Hindi naman pala siya basta gagamitin lang ng guy, mahal din pala siya, kaya goooooo!!!!

“E, ‘yun pa naman ang time na super-lungkot ang bakla! Naunsiyami ang pagmamahalan nila ng isang machong lala­king dribolero, kaya nakakita siya ng gamot sa kalungkutan.

“Pero hindi na nga­yon, mahal na mahal na rin niya ang guy, mahal na rin siya ng male personality na maraming iniwasang beki pero sa beki rin naman pala siya babagsak!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!
***

2 artista malakas umorder ng ecstasy

HAWAK na ngayon ng mga otoridad ang pangalan ng dalawang artistang suki diumano ng isang napatay na tagatulak ng ecstasy.

Dati na raw nakakatanggap ang mga taga-PDEA ng report na gumagamit ng party drugs ang dalawang personalidad, pero nakumpirma nilang totoo ang kuwento nang makita nila sa cellphone ng napatay na tulak ang kanilang mga pangalan.

Malakas umorder ng ecstasy ang dalawang personalidad, pero mas malakas ang isa, dahil ang order niya ay dalawandaang piraso ng ecstasy. May pera siya.

Sinusubaybayan na ngayon ng mga otoridad ang dalawang artista, may nagmamanman na sa kanilang mga kilos, abangan na lang natin kung hanggang saan aabot ang imbestigasyon.
***

Gretchen idinawit sina Herbert, Jinggoy sa giyera

SIYEMPRE’Y nakisawsaw na naman si Gretchen Barretto sa isyung sangkot kina Kris Aquino at Nicko Falcis. Nagpasalamat kasi si Kris sa piskalya ng Taguig na ibinasura man ang kasong isinampa nito laban kay Nicko ay may rekomendasyon ang piskalya na kasuhan na lang ng estafa ang kanyang da­ting partner sa negosyo.

Ayon kay Nicko, nu’ng nagkakaroon pa sila ng pag-uusap ni Kris ay sinabi nito sa kanya na ma­lakas ang aktres-TV host sa Taguig, San Juan at Quezon City, kaya hindi na ito nagugulat sa ­resulta ng kaso.

Du’n na umentra si Gretchen. Sabi niya, kapag nanalo si Kris sa Kyusi ay dahil ‘yun kay Mayor Herbert Bautista, naging magkarelasyon kasi sila.

Kapag sa San Juan naman ay dahil kay da­ting Senador Jinggoy Estrada, nangako raw kasi si Kris ng suporta sa kandidatura ni Vice-Mayor Janella Ejercito, na tumatakbong mayor ngayon ng San Juan.

Karapatan naman ni Gretchen Barretto ang makisahog sa kahit anong lutuin, para na nga siyang bawang ngayon at hindi lang basta sawsaw-suka, dahil sumasali siya sa mga usaping hindi naman siya kasali talaga.

Okey lang ‘yun, may kalayaan siyang makisawsaw, pero sana’y huwag na siyang nangdadamay pa ng mga taong baka nga walang kaalam-alam tungkol sa kasong pinag­lalabanan nina Kris at Nicko.

Hanggang kina Kris at Nicko na lang sana. Huwag na ang ibang taong nananahimik. Huwag nang bulabugin pa ang mga taong abala sa kani-kanilang trabaho.