Bela binubuyo kay Zanjoe

Marami ang kinilig sa ipinost ni Bela Padilla na picture nila ni Zanjoe Marudo sa kanyang Instagram account.
May caption itong : June and Marco #366. PS: Nobody was hurt while filming.
Sey ng mga netizen, bagay raw ang dalawa.
Inuudyukan din ng ilan na si Bela na lang ang ligawan at dyowain ng actor.
Kahit pa nga may napabalitang foreigner boyfriend na ang aktres, wala pa rin daw naman kasiguraduhan ang kanilang long distance relationship.
Sa kaso naman ni Zanjoe, rumored single na rin ito lalo pa’t out of the picture na ang pagli-link sa kanya kay Angelica Panganiban. Very vocal si Angel sa kanyang relasyon sa yacht designer na si Gregg Homan.
Matagal na rin kasing nabalitang split na ang aktor sa Siargao based surfer na si Josie Prendergast .
Sina Bela at Zanjoe ay dati nang na-link sa isa’t isa bagamat nilinaw noon ng aktres na never na naging sila.
Bukod sa scriptwriting, sumabak na rin sa pagdidirek si Bela.
Directorial debut niya ang “366”.(Archie Liao)