Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bela, Chiu aprub sa dyowa ni Angelica

0 77

Aprub kina Kim Chiu at Bela Padilla ang non-showbiz boyfriend ni Angelica Panganiban na si Gregg Homan.

In fact, sobrang happy nila para sa kanilang kaibigan.

Sa kanya-kanyang social media account nila Kim and Bela ay binati nila si Gregg sa kaarawan nito last September 7, Tuesday and at the same time ay nagpahayag ng 100% support sa relasyon nito kay Angelica.

“Happy birthday sa nagpatibok ng puso ng aming momsie nang todo-todo! Miss na namin ang luto mo and Englishan natin, Greg!” saad ni Kim sa kanyang Instagram Story.

“Huwow! Kala mo naman matagal nagsama! Ahhaha happy birthday @gregg_homan thanks for making our momsie happy!!!! (heart emojis). And of course for being so mega nice! Love #AngBeKi,” dagdag pa ni Chinita Princess.

Nirepost naman ni Bela ang IG Story ni Kim at nilagyan ng caption na “This man is #AngBeKi approved per DTI NCR number… char!”

Mahigit isang taon na ang relasyon nina Angelica at Gregg. Last June ay nagdiwang sila ng kanilang first anniversary.

Jennylyn, Xian kasal agad ang eksena

Gumiling na nga ang camera sa pinakaabangang first teleserye together sa GMA-7 nina Jennylyn Mercado at Xian Lim, ang “Love, Die, Repeat.”

Ipinost kahapon ng manager ni Jen na si Becky Aguila sa kanyang Facebook page ang ilang mga eksena sa first day of lock-in taping ng serye at bongga dahil unang araw pa lang ay mukhang wedding scene agad nina Jen at Xian ang kinunan.

Makikita kasi sa mga larawan na naka-white dress si Jen at may hawak na bouquet of flowers habang si Xian naman ay naka-white polo rin.

Ang daming positibong feedback agad sa larawang magkasama nina Jen and Xian at komento nila, bagay raw ang dalawa at may chemistry.

Actually, ito rin ang maipupuri namin kay Jen noon pa. Kahit kanino siya ipareha ay bagay sa kanya at hindi namimili.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

May mga nagtatatanong nga kung ano raw kaya ang reaksyon ng mga real-life partner nina Jen at Xian na sina Dennis Trillo and Kim Chiu respectively sa chemistry ng dalawa.

Marami rin ang naiintriga sa title ng serye kaya naman ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa airing nito lalo pa nga’t si Irene Villamor ang direktor na kilala ring magaling sa pagpapakilig.

Excited din si Jen dahil matagal na rin siyang hindi napapanood sa isang serye bukod pa nga sa first time niyang makatrabaho si Xian.

As for Xian, ito ang kanyang first teleserye sa GMA-7 at sobrang happy ang aktor na si Jen agad ang kanyang nakapareha.

Aubrey, Marco palit sa JaDine

Hindi itinatanggi ng dating miyembro ng Pop Girls at isa mga promising talents ng Viva na si Aubrey Caraan na sobrang happy siya sa big break na ibinigay sa kanya ng Viva at ito ay magbida sa isang pelikula.

Si Aubrey ang isa sa bida ng bagong movie ng Vivamax na Ang Manananggal na Nahahati ang Puso .Katambal niya ang isa rin sa fast rising actors ng Viva na si Marco Gallo.

Ang nasabing pelikula ay pre-pandemic pa dapat gagawin at intended originally kina James Reid at Nadine Lustre .Pero ayon nga sa direktor na si Darryl Yap, na-move ito nang na-move because of the turn of events hanggang sa pinalitan na ang JaDine at ibinigay na kina Aubrey at Marco.

Ayon kay Aubrey, nang ibigay daw sa kanya ang project at sinabi ngang siya ang papalit kay Nadine, na-pressure siya and at the same time ay sobrang na-happy dahil matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong magbida sa isang pelikula.

“Grabe po ‘yung pressure nun’g malaman ko na na-consider po ako as lead po na dapat po talaga for Nadine. Sobrang saya na po ako, eh. As in sobrang saya ko na po sa fact na na-consider po ako ng mga boss kasi ibig sabihin, parang nakitaan nila ako ng potensyal, ganyan.

“Well, nandoon pa rin naman po hanggang ngayon ‘yung pressure kasi po ito ‘yung first ever lead ko pero ‘yun nga po, I think naman po na ginawa ko po talaga ang best ko para po dito sa pelikulang ito, para po mapakita ko sa lahat na kaya ko rin po,” pahayag ni Aubrey sa virtual presscon kahapon.

Matagal na rin sa Viva si Aubrey at aminado siyang akala niya ay hindi na darating sa kanya ang chance na makapagbida sa isang pelikula.

“Sobrang unexpected talaga po pero at the same time, sobrang saya ng puso ko talaga dahil ito na po ‘yung hinihintay ko talaga, na mabigyan ako ng ganito kalaking opportunity,” sey ni Aubrey.

Mapapanood na sa October 1 ang Ang Manananggal Na Nahahati ang Puso sa Vivamax. Kasama rin sa movie sina Chad Kinis, Lassy Marquez at MC Calaquian na mas kilala bilabg Beks Batallion.

Leave A Reply

Your email address will not be published.