Abante Tonite Interactive

Bela – Dani bati na

0 459

Kamakailan ay nag-unfollowan sa Instagram ang magkaibigan na sina Bela Padilla at Dani Barretto. Hinihinala na ang kanilang alitan ay dahil sa pagkaka-involve ni Bela sa isang dinner kasama si Bea Alonzo.

Hindi tiyak kung ano ang naging alitan ng dalawa dahil matapos manganak ni Dani ay hindi namataan na dumalaw si Bela.

Pero nitong Linggo, Oktubre 6 ay nag-post si Dani sa kanyang Instagram. Mukhang naayos na ng magkaibigan ang kanilang di pagkakaunawaan.

Ipinaskil pa nga ni Dani ang larawan ni Bela na kung saan ay karga nito ang baby girl niya.

“This photo makes my heart so happy,” caption niya sa larawan.

Gumawa naman si Bela ng bagong nickname para sa baby ni Dani.

“Millie …. is what your parents call you. But to me you’re Milliephant. You can count on me to buy you the candy that your mom and say you can’t have. hahaha it was so nice to meet you, beaut,” caption niya sa larawan ng baby girl ni Dani. (Ronaline Avecilla)