Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bela ‘di ka-level ni Soberano

0 129

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos ng rant ni Liza Soberano sa kanyang poor internet connection, agad namang sumaklolo ang isang internet provider para ayusin ang kanyang wifi.

Dahil sa maagad na pagtugon ng nasabing kumpanya, sinabi rin si Bela Padilla na siya man ay may problema sa kanyang internet na nangangailangan ng agarang aksyon.

Hindi rin nito naitago ang kanyang pagka-inggit dahil mabilis agad ang pag-aksyon ng nabanggit na telecommunication company sa problema ni Liza.

Sa comment section ng kanyang post sa kanyang Instagram, sumabat naman ang isang netizen kung bakit hindi siya umano priority ng naturang kumpanya.

Hindi raw ito kasingganda at charming ni Liza kaya hindi ito nabibigyan ng ‘best internet connection.’

Hindi naman napikon si Bela sa obserbasyon ng netizen at sinabing may pera naman siyang pambayad ng internet.

Nanganak ito ng iba’t-ibang komento kung saan napunta ang isyu sa paghahambing sa dalawang aktres.

Sey ng supporter ni Bela, kahit hindi raw ito kasingganda ni Liza, super talented daw naman ang una dahil mas magaling daw itong umarte sa huli.

In terms of acting, mas malawak daw ang range ni Bela dahil kahit anong role kaya nitong gampanan, hindi tulad ni Liza na limitado pa rin.

Multi-talented din daw ito dahil screenwriter din daw ito at hindi lang aktres.

Pagtatanggol naman ng LizQuen fans, hindi raw magka-level ang dalawa dahil ang ka-level ni Liza ay sina Kathryn at Nadine.

Ilang beses na rin daw na tinanghal na isa sa ‘most beautiful women of the world’ si Liza.

Leave A Reply

Your email address will not be published.