Abante Tonite Interactive

Bela feelingera

4,528

Ano raw ang pinagmamarakulyo ni Bela Padilla sa tanong sa kanya nu’ng nakaraang presscon ng Pista ng Pelikulang Pilipino?

Feelingera ang tingin sa kanya ng ilang movie press pagkatapos mag-tweet ng:

“I was asked a series of very rude and insensitive questions. I tried to answer the best way I could, despit­e being caught off guard. I’m sorry if you didn’t get the angle you wanted out of me.”

Nirebyu namin ang tanong kay Bela na naka-record. Mukhang asiwa siya sa tanong tungkol kay Zanjoe Marudo.

Ayaw raw niyang pag-usapan dahil baka may ma-feel bad. Hindi ba maayos na nagtapos ang kanilang pagkakaibigan? Kumbaga, hindi sila nag-swak para lumalim ang relasyon nila?