Abante Tonite Interactive

Bela gustong sampalin si Zanjoe

By
4,025

Guest nu’ng Linggo sa “Gandang Gabi Vice” ang magkaibigang Kim Chiu at Bela Padilla. Sa segment ng show na ‘Mukha Mo..Tanong Mo’, lumabas ang picture ni Bea Alonzo, na ex ni Zanjoe Marudo, na ex din ni Bela. Ang tanong ni Bela kay Bea. “Gusto mo ba akong makatrabaho?” Paliwanag niya kay Vice kung bakit ‘yun ang tanong niya, ay dahil hindi pa raw niya ito nakakatrabaho.

Sa tanong ni Vice, kung sino ang gusto niyang maging leading man nila, ang sagot ni Bela ay si Piolo Pascual. Gaya ni Bea, hindi pa rin daw niya kasi nakaka­trabaho si Papa P.

Sundot na tanong ni Vice, okey lang daw ba kung si Zanjoe ang maging leading man nila? Ayon kay Bela, okey lang naman daw, dahil sobrang okey na raw naman sila ng dating minamahal. Sa tanong naman ni Vice, kung anong eksena ang gusto niya with Zanjoe, ang sagot ni Bela na natatawa, gusto raw niya ‘yung eksenang sasampalin niya si Zanjoe.

Wala pa raw kasi silang nagawang eksena na nasampal niya ito, nu’ng nagkatrabaho sila.

Well, hindi kaya ang tunay na dahilan ay galit pa rin si Bela kay Zan­joe kaya gusto niya itong masampal? Idadaan niya lang ‘yun sa isang eksena? Nu’ng naging magkasintahan kasi sila at naghiwalay, ay wala silang binanggit na dahilan ng split up.

Baka naman hindi maganda ang dahilan ng break-up nila, na sinabi lang niya na okey sila ni Zanjoe, pero ang totoo ay hindi naman, ‘di ba?

Si Kim naman, nang lumabas ang picture ng ex niya rin na si Gerald ­Anderson, ay hindi agad ito nakapagsalita. Pero ang tanong niya lang kay Gerald ay kamusta ka na? Hindi na raw kasi sila nagkikita nito.