Abante Tonite Interactive

Bela, Jc kinabog si Vhong

By
1,136

Panalo sa takilya ang pelikula ng Viva Films nu’ng first day ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa pangalawang taon ng PPP togrosser pa rin ang pelikula nina Bela Padilla at JC Santos na ‘The Day After Valentine’s’. Matatandaan na nanguna rin sa takil­ya last year ang pelikula nilang ‘100 Tula Para kay Stella’.

Ayon sa unofficial/partial report ay kumita ito ng P6.6 M kumpara kay Vhong ng ‘Unli Life’ na P3.2M nu’ng first day.

Ang pelikula naman ni Sue Ra­mirez na ‘Ang Babaeng Allergic sa WiFi’ ay P1.1M.

Humahabol naman sa box office ang pelikulang ‘We Will Not Die Tonight’, ‘Bakwit Boys’, ‘Pinay Beauty’, ‘Madilim Ang Gabi’, at ‘Signal Rock’.