Abante Tonite Interactive

Bela-JC wagas ang harutan

389

NI: VINIA VIVAR

Aminado si JC Santos na swerte sila sa isa’t isa ni Bela Padilla kaya pabiro nga niyang sabi sa presscon ng latest film nila under Viva Films na Of Vodka, Beers, and Regrets, kung pwede nga lang ay ang aktres na lang ang lagi niyang katambal.

“Suwerte kami sa isa’t isa. Literally, I think, figuratively, andu’n na kami sa suportahan na we make each other look good anytime,” ani JC.

Sey naman ni Bela, “oo, parang hindi mo na iisipin na ‘kailangan kong galingan dito, kasi ano ‘to, crying scene,’ hindi na. Parang nage-enjoy na lang kaming dalawa.

“Tapos ‘yun, pag shot niya, papaiyakin ko siya lalo, pag shot ko, pinapaiyak niya ako lalo, so, nagtutulungan lang kami.”

Pangatlong pelikula na nila together ang On Vodka, Beers and Regrets. Ang una ay ang 100 Tula para kay Stella in 2017 at ang pangalawa ay The Day After Valentine’s in 2018. Sa first movie pa lang ay kinakitaan na sila ng chemistry kaya naman naging box-office hit ito at nasundan pa na kumita rin.

Ngayon ay madaling-madali na raw pala sa kanila na gawin kahit ang mahihirap na scenes dahil nga nagtutulungan sila.

Kuwento pa ni JC, dapat daw ay hindi siya kasama sa movie pero sabi naman ni Bela, talaga raw pinadala niya sa aktor ang script at tinanong kung gusto ba nitong gawin.

“At napakabait niya para tanggapin ito,” ani Bela.

Sa unang dalawang pelikula ay parehong hindi sila nagkatuluyan sa kwento at laging masakit ang ending. When asked kung dito ba ay magkakatuluyan na sila, abangan na lang daw.

“Ang masasabi ko, iba siya,” sey ni Bela.

“Oo, mahapdi ito, eh,” sambit naman ni JC.

May pagka-sexy rin sina JC and Bela rito base na rin sa trailer at biro nga ng aktres, ipinakita na nga raw ng leading man ang lahat dito.

“Walo po ang abs niya. Pati kami, nagulat sa set, eh,” natatawang sabi ni Bela.

Ayon naman kay direk Irene Villamor, harutan lang naman ang ginawa ng dalawa sa pelikula.

Showing na ngayong Feb. 5 sa mga sinehan ang On Vodka, Beers and Regrets.

Single pa rin si Padilla

After Neil Arce ay wala pang ipinakikilala ulit na bagong boyfriend si Bela sa publiko although may mga nalilink-link sa kanya. Kinumpirma nga niyang 3 yrs. na siyang single.

At kuwela ang sagot ng aktres kung choice ba niya ang maging single.

“Hindi po talaga. I think, choice po nilang lahat. Parang masaya po si boss Vic (del Rosario, Viva Films’ big boss) na single ako, kasi tanggap ako nang tanggap ng trabaho.

“So, baka ‘yung Viva na ang gumagawa ng paraan para walang manligaw sa akin,” natatawang sabi ni Bela saka sinundan ng “charot!”

Seriously ay hindi raw niya alam kung bakit single pa rin siya pero happy naman daw siya.

“Sa totoo lang, masaya po ako ng ganito kasi, ‘yun nga, nagagawa ko ‘yung. . .feeling ko, kung may boyfriend ako ngayon, di hindi siya papayag na i-shoot ko ‘tong movie na ‘to, kasi ang dami naming ginawa namin dito na iba and mas mature,” she said.

Nasaktan pa siya sa dati niyang boyfriend kaya ayaw niya muna?

“Hindi naman po. Wala naman pong nananakit sa akin sa totoong buhay. Lahat naman, maayos.”

Si JC naman, well, as we all know ay masayang-masaya ang aktor dahil manganganak na ngayong Pebrero ang kanyang non-showbiz wife.

When asked kung may mga naging regrets na rin ba sila sa buhay nila, sagot ni Bela, “ako, in fairness, wala naman. Pag nagmahal ako, todo-todo, so, walang regrets.”

Same with JC dahil extra baggage raw ang ganitong feelings at masyadong masakit isipin.

Vice talunan: Pana-panahon lang din

Bela and JC just came from the big success of their Metro Manila Film Festival Movie, Miracle in Cell No. 7 with Aga Muhlach. As we all know ay ito ang top-grosser ng MMFF at pumangalawa lang ang pelikula ni Vice Ganda na The Mall, The Merrier. Taon-taon ay ang movie ng comedian/TV host ang no. 1 sa box-office twing December filmfest at ito ang unang pagkakataon na nalaglag siya.

Ano ang masasabi nina JC at Bela rito?

“Ako, if anything, pana-panahon lang din. And I’m with Vice in “It’s Showtime. Si Vice ang isa sa mga unang nag-congratulate sa akin nun’g nag-announce na no. 1 ‘yung Miracle and I’m also very happy for Vice kasi ilang years siyang undefeated.

“But again, it’s a film festival to entertain the masses on Christmas Day, so maybe it shouldn’t be taken too seriously.

“Also, I mean, before Vice, meron din siyang predecessor na taon-taon, number 1. So, feeling ko, pana-panahon lang din,” pahayag ni Bela.

Ayon naman kay JC, wala raw siyang masasabi rito at pagbibiro niya. “the more entries you send, the more chance of winning.”

Dagdag niya, “ako, basta, may trabaho lang, okay na ako. Wala po akong masyadong comments.”

Kilig to death

Bakit nga ba nagwo-work ang tandem nina Bela and JC?

“Alam mo, hindi rin namin alam,” sagot ni JC.

“Oo, hindi rin namin siya masyadong pinag-iisipan. Basta pag sinabing action, umaarte na lang kami,” sey naman ni Bela.

Pero pag pinapanood nila ang sarili nila sa screen, ano ang napi-feel nila?

“Nakakikilig,” sabi ni Bela. “Kinikilig kami, opo. At ‘yun ang batayan namin pag nanood ng playback. Na “kinilig ka ba do’n?” In fairness naman. Lalo na nung sinu-shoot namin ‘to, first time ko nakakita na nu nun’g nag-cut, lahat ng staff sa likod, naka-ganu’n (kinikilig), kasi may eksena kami na cute lang, sa bahay lang, pero kinilig silang lahat,” kwento ni Bela.

Mawawalan ng trabaho` sa ABS-CBN franchise problem

Parehong Kapamilya sina JC and Bela kaya natanong din sila kung ano ang masasabi nila sa kinakaharap na problema ngayon ng ABS-CBN tungkol sa renewal of franchise.

Biro ni Bela, “Shucks, oo nga, mawawalan na pala ako ng trabaho.”

Sabi naman ni JC, “nalulungkot din ako.”

May sinabi na ba sa kanila ang network?

“Wala nga po, eh. May nabasabi na ba sa inyo?” balik-tanong niya.

Pahayag naman ni JC, “sana naman, humaba pa. Sana naman, both sides, magkapatawaran? Hindi ko alam.”

Dagdag naman ni Bela, sa ngayon daw ay ayaw muna niya itong pag-isipan.