Abante Tonite Interactive

Bela kinuyog ng mga Team Julia

618

Nadadawit din si Bela Padilla sa controversy nina Julia Barretto, Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil lang sa nakita siyang nag-dinner kasama ang huli kamakailan.

Netizens speculated na Team Bea siya at dahil dito ay katakot-takot na pangba-bash ang inabot niya mula sa fans ni Julia.

Once and for all, sa kanyang panayam sa “Tonight With Boy Abunda” aired last Tuesday, nagsalita na ang aktres.

Sa paliwanag ni Bela, ang dinner ay naganap pagkatapos ng ABS-CBN Trade Launch kasama ang iba pang Kapamilya stars. Makikita sa larawang nai-post sa social media na kasama niya sina Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Angel Locsin, Ketchup Eusebio, Ivana Alawi among others.

“Galing po akong trade launch, mandatory na pumunta dito sa after-party/ dinner, so I was actually here with Ketchup and Ivana from ‘Sino ang Maysala’.

“I was pleasantly surprised that Bea arrived. Obviously, I didn’t know that it was going to be posted with that hashtag ‘#ParaKayB.’

“But at the same time, it doesn’t matter. If that dinner was for Bea or for anything else, it doesn’t matter because they’re all people that I work with in ABS-CBN. So, parang I just feel like it’s not supposed to be a big deal,” simulang paliwanag ni Bea.

After the photos were posted, nagsimula nang makatanggap si Bela ng mga pangba-bash at nanganak pa ang issue dahil in-unfollow daw niya si Julia because of the said dinner.

Paglilinaw ni Bela, hindi raw ito totoo.

“And I actually texted tita Marjorie (Barretto, Julia’s mom), and my best friend Dani (Barretto, Julia’s half-sister) and Julia the day after because it became such a big deal.

“I got so many messages from Julia’s fans which were super-hateful. Kalma, kids,” sey ni Bela sabay-tawa.

“Social media is not everything. One picture of a dinner doesn’t define our future. So, sometimes you really need to, you know, chill and go to school.
“I feel like masyado kayong maraming oras sa Instagram at libreng Facebook, guys. Some words kasi were super-hateful.”

Inamin ni Bela na talagang in-unfollow niya si Julia pero last year pa raw ito along with several other artists.

Ana Roces sukdulan ang ‘poot’ kay Bianca

Sukdulan na talaga ang poot na nararamdaman ng karakter ni Ana Roces bilang si Irene sa epic series ng GMA na “Sahaya”. Very intense na ang mga eksena sa primetime soap dahil nalaman na sa wakas ni Sahaya (Bianca Umali) na anak siya ni Harold (Zoren Legaspi).

Makakatikim tuloy si Sahaya ng galit mula sa pamilya ni Irene sa pagiging anak sa labas nito! Pinagkakaisahan na siya ngayon nina Irene at Salida (Snooky Serna).

Kampi ang Kapuso viewers kay Sahaya at naniniwala silang malalampasan niya ang panibagong pagsubok na ito sa kanyang buhay.
Dasal ng isang fan sa Twitter, “sana nga wala na talagang makahahadlang sa gustong mangyari ni Sahaya na makasama niya ang kanyang ama at ina.”