Abante Tonite Interactive

Bela may happy ending na

466

Masasabing isa sa mga nagre-reyna sa mga hugot films si Bela Padilla.

Humahataw sa takilya ang ikatlong team-up nila ni JC Santos na “On Vodka, Beers and Regrets” na idinirehe naman ni Irene Villamor.

Kung tragic ang ending ng mga nauna niyang pelikula, ngayon naman, tuwang-tuwa ang kanyang mga faney dahil sa latest starrer nila ay may happy ending na ang kanilang idol.

At least, hindi na raw matatagurian si Bela na patron ng mga brokenhearted o sawi sa pag-ibig.

Wish din ng mga follower niya na magka-love life na rin daw ito pagkatapos ng hiwalayan nila sa businessman turned film producer na si Neil Arce. (Archie Liao)