Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bela may hugot sa quarantine song

0 98

NI: ARCHIE LIAO

Pinatunayan ni Bela Padilla na hindi lang siya magaling na aktres.

Nominado siya ngayong taong ito sa 43rd Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa kanyang pagganap sa “Mananita.”

In terms of acting, matagal nang napansin ang kanyang pagiging markado sa mga pelikulang “100 Tula Para Kay Stella”, “A Day After Valentine’s”, “Meet Me in St. Gallen”, Of Vodka, Beer and Regrets”, “Miracle in Cell No. 7” at marami pang iba.

Napatunayan na rin niya ang galing niya bilang story writer dahil siya ang sumulat ng iskrip ng mga pelikulang Luck at First Sight, Camp Sawi at Last Night.

Ngayon naman, pinakita niya na may ibubuga rin pala siya sa songwriting.

Patok ang kanyang music video na “Nighttime” na mapapanood sa kanyang Youtube channel na patuloy na nagtre-trending sa socmed.

Ani Bela, ito raw ay isang “quarantine song” na tumatalakay sa nararamdaman ng isang taong nai-in love at nag-fall out of love sa panahon ng quarantine summer.

Maraming netizen ang nakaka-relate rito na dahil sa tema at positive quarantine vibe nito na gets na gets ang mensahe ng kanta.

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizen sa kanyang musical composition.

“It’s so Relaxing and made me Forget at the Problems i have During this Pandemic.” “Phenomenal as always Bela! Sobrang nakakainspire mainlove with the melody and lyrics.” “The sweetest song I’ve ever heard in this pandemic crisis. Loves uuu bells and that lyrics tho.” “Not just a talented scriptwriter. she’s a great songwriter and singer too. 🙂 good job bela! more power to you.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.