Abante Tonite Interactive

Bela naghubad ng bra

By
4,796

Join na rin sa karosa ng mga nagpapa-sexy si Bela Padilla. Palaban na rin siya sa kanyang latest photoshoot na kung saan nagtanggal ito ng bra para sa Preview Magazine pictorial niya.

Makikita sa Twitter account ni Bela ang apat na larawang pinoste ng kanyang follower na si Gigil Hadid @castillofleen.

Isa sa pinakamapangahas na photo ni Bela ay ang topless niya at ta­nging kamay at braso lang ang nakatakip sa kanyang boobs.

Nabigyan ni Bela ng justice ang bagong sexy photo niya sa Preview pagkatapos punahin ang kanyang belly tummy sa isang larawan niya sa IG.

Malayang nagpapa-sexy si Bela ngayon dahil walang lovelife. Gusto niya munang kilalanin at kilatisin ang sinumang magtatangka na ligawan siya sa paraang gusto niya. (Rey Pumaloy)