Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bela nakipagtalakan sa basher ni Ivana

0 371

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang Instagram, nag-post si Bela Padilla ng pasasalamat sa mga taong nakatrabaho niya sa bagong music video para sa single na “Paraluman” na kanyang isinulat at idinirehe.

Kasama niya sa mga naka-collab ang singer-songwriter na si Adie at Ivana Alawi na gumanap bilang Paraluman sa nasabing music video.

Isa namang bitchy netizen ang nagkomento sa kanyang nasabing post tungkol sa partisipasyon ng kilalang Youtuber sa kanyang music video.

“LOL Ivana? In acting?,” pagmemenos ng netizen.

Bumuwelta naman agad si Bela para ipagtanggol ang sexy actress sa pang-iinsulto ng naturang netizen.

“ What’s so funny?,”pagsopla ni Bela.

Nakakuha naman ng kakampi si Bela sa ilang netizens sa pagdepensa kay Ivana.

Anila, pagdating sa acting, hindi raw naman banong umarte ang Fil-Moroccan vlogger kahit may imahe itong ‘jeje’ sa kanyang vlog.

Katunayan, napatunayan na raw nila na may ibubuga ito sa pag-arte sa ‘Sino Ang May Sala’ na pinagsamahan nila ni Bela Padilla sa ABS-CBN.

Hirit pa nila, naging epektibo rin daw itong kontrabida sa isang seryeng pinagbidahan ni JM de Guzman.

Marahil daw ay hindi lang updated ang basher sa filmography ng actress.

May ilan namang nang-iintriga na kaya raw kinuha ni Bela si Ivana ay dahil para pumalo ang views nito.

Ayon sa mga nag-aampalaya, ginagamit lang daw ni Bela si Alawi.

Isa raw kasi si Ivana sa mga nagre-reyna sa Youtube kaya siguradong papalo ang anumang collaboration nito dahil milyon-milyon ang subscribers nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.