Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bela niratrat sa SONA shoot

0 495

NI: ARCHIE LIAO

Hindi lang si Piolo Pascual ang naju-judge, kundi pati si Bela Padilla kaugnay ng pagpayag niya na mag-shoot umano sa Sagada para sa video na gagamitin sa SONA ni Pangulong Duterte.

Ito ang video na isho-shoot sana ni Direk Joyce Bernal sa naturang lugar na incidentally ay hindi pinayagan at binigyan ng permit ni Sagada mayor James Pooten.

Gusto kasi ng mayor na panatilihing COVID-free ang nabanggit na tourist destination kaya naghihigpit ito sa kanilang mga bisita.

Pagkatapos, tanggihan sa Sagada, hindi rin pinayagan ang grupo ni Direk Joyce na makapag-shoot sa Benguet.

Akusa naman ng ilang bashers, lumabas daw ang tunay na kulay ng aktres na anila’y isa palang DDS.

Sabat naman ng ilang kate-katera, wala raw utang na loob ang aktres. Mas pinili umano nitong magtrabaho para i-glorify raw si Digong kesa magpahayag ng suporta sa renewal ng franchise ng ABS-CBN na patuloy na dumadaan sa butas ng karayom sa Kongreso.

Pagtatanggol naman ng maraming nakakakilala kay Bela, hindi raw porke’t gagawa ito ng video para sa SONA ni Digong ay mahuhusgahan na ang buong pagkatao nito.

Bilang artista, trabaho lang daw ang lahat at hindi dapat bigyan ng iba pang dahilan.

Anila, karapatan din ng aktres na maghanap-buhay lalo pa’t madalang ang trabaho sa panahon ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.