Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bela nominadong best actress sa Seoul Awards

0 365

Ka-level na ni Bela Padilla ang ilang magagaling na aktres sa Britain, Taiwan, Czech Republic at South Korea.

Kabilang kasi siya sa best actress nominees para sa 15th Seoul International Drama Awards para sa ABS-CBN crime drama na “Sino Ang May Sala”.

Lalaban din ang “Sino Ang May Sala” o may internation title na “Mea Culpa” para sa serial drama category sa mga bansang Turkey, Colombia, Brazil, China, at Taiwan.

Babangga naman si Bela sa mga aktres gaya nina Imelda Staunton (Britain), Shu-qin Ke (Taiwan), Zuzana Stivinova (Czech Republic) at Si-Eun Park, Hyo-Jin Kong at Ji-Eun Kim ng South Korea.

Ang “Sino Ang May Sala” ay nag-iisang entry mula sa Pilipinas. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.