Abante Tonite Interactive

Bela pikon sa bayolenteng pulis

845

NI: RONA RONDA

Hindi napigilan ni Bela Padilla na ilabas ang galit matapos makita ang video na sinasaktan ng pulis ang isang residente sa Quiapo Manila.

Sa nasabing video, nagsabi pa ang pulis na mababaril ng wala sa oras ang residente na labas nang labas.

Sey naman ng isang netizen, maaaring naghigpit lamang ang kapulisan sa nga taong sumusuway sa quarantine protocol.

“I understand that. Madami po talagang pasaway. But violence is not the answer. It doesn’t only hurt physically but it also strips off a person’s dignity,” pahayag ng aktres.

Iginiit pa ng aktres na sa panahon ngayon ay kailangan ng mas mahaba pang pasensya.

Tonite – Wendys Inhouse Ad