Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bela takot patali

0 124

NI: ARCHIE LIAO

Bagamat ang mga kapanabayan niya ay nag-asawa na, ikakasal na o kaya’y bumobongga ang love life, nananatiling nagi-enjoy si Bela Padilla sa kanyang single blessedness.

Ito ay sa kabila na noong Oktubre ng nakaraang taon ay natagpuan na niya ang kanyang bagong inspirasyon sa katauhan ng Turkish guy na si Norman Ben Bay.

Si Norman ay nakilala niya noong 2017 habang ginagawa niya ang pelikulang Meet Me in St.Gallen sa Switzerland.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tulad ni Bela, mahilig din sa poetry si Norman kaya naman magkasundong-magkasundo sila.

Katunayan, marami ang nang-uurot kung kelan siya pakakasal lalo pa’t engaged na rin ang ex niyang si Neil Arce kay Angel Locsin.

Dahil dito, nilinaw ng aktres sa kanyang IG account na wala pa siyang balak patali kahit pa napabalitang nasa LDR siya.

“To the people commenting that I’m getting married,I’m sorry but no…I’m marking the start of a new chapter in my life as I direct my first film ever…I honestly hope by this time, 2021….a whole year after the pandemic…we finally understand that there are other things in life that we can level up.Not just our relationships,” paliwanag ni Bela.

Si Bea ay first time na magdidirek sa passion project na “366”.

Leave A Reply

Your email address will not be published.