Abante Tonite Interactive

Bela tumatakas sa malaking iskandalo

762

Ngayong 2020, mag-celebrate at mag-toast tayo to love, dahil binabalik ng Viva Films ang tambalang JC Santos at Bela Padilla para sa isang exciting screen project, ang “On Vodka, Beers and Regrets”.

Ito ay tungkol kay Jane Pineda na ginagampanan ni Bela. Isa siyang dating child star at artistang malapit nang mawalan ng career. Sa kanyang sunod-sunod na failed auditions at sa kagustuhang makatakas sa isang malaking iskandalo, sa alak siya nakahanap ng kakampi. At sa isang lasing na pagkakataon sa bar, nakilala ni Jane si Francis, vocalist ng isang banda. Dito biglang nagbago ang lahat. Nakahanap din sa wakas si Jane ng kakampi at saya sa piling ni Francis. Para kay Francis, handa niyang mahalin si Jane anuman ang kanyang sitwasyon. Pero magiging sapat ba ang pagmamahal niya para manatili si Jane? O sa huli ay mawawala din si Jane sa kanya?

Ngayong 2020, makukuha na ba ng mga lovesick fans ang happy ending na gusto nila para kay JC at Bela? O marami na namang mabibigo at uuwing luhaan dahil sa “On Vodka, Beers, And Regrets”?

Noong January 3, 2020, nag-post ang VIVA Films sa kanilang Facebook page ng teaser trailer para sa “On Vodka, Beers And Regrets”. At sa loob lang ng tatlong oras, meron na agad itong 900,000 views at halos 30,000 Facebook users na ang nag-share ng teaser. Makalipas ang 24 oras, umabot na sa 4 million views ang teaser trailer in all social media platforms. Patunay lang na isa ito sa mga pinaka-aabangang pelikula sa simula ng taon.

Matutuwa din lalo ang mga fan dahil ang nagsulat at nagdirek ng pelikulang ito ay walang iba kundi si Direk Irene Emma Villamor, na siyang nag-direk ng mga box-office hits gaya ng “Sid & Aya: Not A Love Story”, “Meet Me In St. Gallen” at “Camp Sawi”.

Isa pang nakadagdag ng excitement para sa pelikulang ito ay ang rising star ng VIVA na si Raphiel Shannon, na siyang kumanta ng movie soundtrack na “Mundo”, ang smash hit ng bandang IV of Spades noong 2018.

Ipapalabas sa mga sinehan sa February 5. (Roldan Castro)